marahil ang title ng entry na ito ay para sa ngaung araw lng pero gusto ko munang simulan ng lunes.
papunta kong kamuning pra sa rehearsal namin.
lakas ng ulan, naglalakad na ako sa kamuning ng biglang nasira ang sandals ko. ginawa ko?
naglakad ng nakapaa. pumunta akong 7-11 para bumili ng mailalagay sa paa. in short, bumili ako ng spartan na tsinelas.
praktis kami ng katribu pra sa gaganaping performance sa intramuros nung monday sa tandang sora, ayun, kasama namin c tasy, isang mananayaw, galing PHSA major in dance, ngayon ay nasa UP diliman na nag-aaral ng turismo. galing cya, powerdance at UP filipiniana.
nakabuo na ako ng sayaw kaso ayun nga idinagdag c tasy sa performance kya medyo ni-revised namin kasama cya.
tatlo na kaming mananayaw, ako si anya at si tasy.
natapos namin ang sayaw ng 9pm, sinimulan namin ng 6pm.
pauwi na kami, pero treat kami ni mam rochit sa bahay nila!
ang ganda kc doon sa bahay nila parang gallery tlga! just to dicover na artist din pla ang asawa nya! visual artist! astig! i worked in CCP and seen most of those artworks before. grabe, madaming pera, imagine was able to do a one-man show exhibit sa pimakamalaking bulwagan sa CCP!
tapos kumain sa bahay ni mam rochit, uwi na. ang lakas ng ulan grabe! ayun nga may bagyo. problema lng ng marami sa amin ay mag-cocommute kami.
binaba kami nila anya sa Munoz, q.c. tapos dun sa walk bridge nadulas ako dahil cemento cya at baha! napilayan lng naman ako, habang bumababa. ang una kong naisip ay ang aking performance sa friday. kasalanan ito ng tsinelas, huhuuhu, madulas kasi e, nag-tsinelas pa ako...
buti na lamang kasama ko si choi at bryan at ayun, inalalayan ako bumaba. buti na lng at mabait cla, hinatid ako sa bahay at ayun inalok ko na rin sila matulog sa bahay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
eto na ang araw ngaun...
may bagyo kaya walang klase, nalaman ko ng maaga 5am, tinawagan ko agad ang mga kaklase kong malayo ang bahay pra ipaalam sa kanila kasi 7.30am ang klase namin, kawawa naman cla kung aalis pa cla.
pilay pa rin, kya naman txt ko na cla mam kelli na HINDI na AKO SASAYAW. kasi dapat may rehearsal kami sa Clamshell ngaun, as in technical dress rehearsal, e diko pa rin tlga kya, kaya eto bak-out na.
naalala ko lng na ako ay nasa gitna ng sayaw. il do the canao (the ritwal) mukhang dapat sila tasy mag-adjust. i texted her at buti naman sasayaw pa din daw cya, kaso nga lng, di ngaun dahil may bagyo. isip ko lng, magaling naman cya kya kahit sa araw ng performance kya nya na ng walang rehearsal, HOPEFULLY!
hay naku!
nagpahilot ako! di natuwa ang marami. doktor quack-quack daw ang mga manghihilot. lalo pa daw lalala ang pilay pagpinahilot.
pasencya na sa iba, ngunit naniniwala pa rin ako dito.
pinoy ata ako at satingin ko, epektibo pa rin ito kahit na primitibo!
ayun!
harinawang gumaling na ako!